Born free, as free as the wind blows
As free as the grass grows
Born free to follow your heart

Live free, and beauty surrounds you
The world still astounds you
Each time you look at a star

*Stay free, where no walls divide you
You’re free as a roaring tide
So there’s no need to hide

Born free, and life is worth living
But only worth living
Cause you’re born free

Madalas ko itong marinig na kinakanta ng aking tatay kapag nakikipag-inuman siya at may videoke. Madalas din inuulit kantahin ng mga kainuman niya (minsan mga kamag-anak, katrabaho, katrabaho o kahit sinong mayaya). Naging theme song na nga ata nila ito. (maliban siyempre sa walang kamatayang “My Way” na sabi nila’y nakamamatay)

FAST FORWARD: Kapag napapainom naman ako ngayon kasama ang mga kabarkada o kakilala at nagkataong may videoke, hinahanap ko ang ‘BORN FREE’ sa song book at malayang kinakanta ito.

Bakit nga ba?

Siguro lumalaya kasi ako kapag nakakainom at nawawala ang hiyang bumirit. Siguro epekto ito ng madalas kong marinig na pagkanta nina tatay at kainuman niya noong bata pa. Siguro trip ko lang ito. Siguro ito lang ang isa sa mga kabisado kong kantahin….

Pero ang sigurado ko, gusto kong maging malaya. Sa lahat. Malayang gawin ang lahat, malayang isipin ang lahat, malayang sabihin ang lahat, malayang maisulat ang lahat.

Gaya ng isinasaad ng kanta, gusto kong maging malaya tulad ng hanging malayang nakapaglalakbay sa walang hanggang hangganan, tulad ng  damong malayang namumuhay sa kahit saang maibigan….gusto kong malayang sundin ang anumang  naisin….kaya marahil ginawa ko ang blog na ito…dahil GUSTO KONG LUMAYA…dahil naniniwala akong ANG PAGSULAT AY PAGLAYA….

Advertisements