Sinulat ni Benedick N. Damaso
(Ang kwentong ito ay hango sa tunay na katauhan ni Joy Piso. Bagamat hindi na natin nakikita si Joy Piso, marami pa ring tulad niya ang ating nakasasalamuha sa araw-araw. Ikaw? May nagawa ka na ba para matulungan ang mga katulad niya?)
Payat, maiksi ang buhok, may mga butlig butlig sa braso at paa, pagala-gala, kinaaawaan ngunit kadalasa’y pinandidirihan, nanlilimos, humihingi ng piso.
Siya si Joy Piso kung tagurian ng mga tao. Akala ko noong una, piso talaga ang apelyido nya, yun pala, halaw lang pala ito sa madalas mamutawi sa kanyang bibig tuwing ilalatag niya ang kanyang mga kamay.
“Piso mo nga!”
Ito ang bukambibig niya sa kahit sinong makasalubong. Noong una, hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin at isip si Joy Piso. Katwiran ko, sino ba siya para pag-aksayahan ko ng aking panahon. Hindi naman ako taga-DSWD, lalong hindi kami mayaman na kayang magtatag ng foundation.
Pero isang pangyayari ang nagbunsod sa akin na magkainteres sa kanya. Palabas ako noon ng paaralan ng makita ko si Joy Piso. Bigla na lang niya akong hiningan ng piso. Ewan ko ba pero bigla ko na ang dinukot ang natitirang piso sa aking bulsa at ibinigay sa kanya. Tuwang tuwa siya, bakas ko sa kanyang mukha ang kasiyahan sa pisong ibinigay ko.May mabibili na naman siya ng kanyang makakain, naisip ko. Pero bigla akong natigilan ng mahulog niya ang pisong ibinigay ko sa kanya, tumilapon ito at gumulong sa kalye na naging dahilan upang habulin niya ito sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan. Muntik na siyang masagasaan kundi lang nakapagpreno ang mamang driver.
Tigagal ako sa aking nasaksihan. Hindi ko lubos maiisip na ganun pala kahalaga sa kanya ang pisong iyon, na kahit pati buhay nya ay handa nyang isugal.
Nagsimulang umusbong ang aking interes sa kanya. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit sya nagkaganun, ano ang mga pangyayari sa kabila ng kanyang buhay pagala-gala? May pamilya pa ba siya? May pangarap pa ba sya? Masaya kaya sya? Nalulungkot din ba siya?
Sabi ng matandang kapitbahay namin, matalino raw si Joy Piso subalit dahil dito ay nabaliw siya. Hindi ko naman lubos na mapaniwalaan ang mga sinabing ito ni Lola Elang kasi pakiwari ko ay hindi naman talaga baliw si Joy. Sabi ng iba, inampon raw siya ng isang mayamang mag-asawa noong siya ay bata pa. Mayaman daw ang mga ito, naranasan daw ni Joy ang magbuhay mayaman, nung umalis papuntang Amerika ang mga nag-ampon sa kanya, may binilinan daw na tagapagalaga kay Joy, maganda pa rin naman daw ang buhay niya noon, pero mula ng mamatay ang nag-aalaga sa kanya, naging palaboy-laboy na siya, wala na ang mga dating kaibigan niya noong siya ay may pera pa.
Ngayon, mag-isa na lang siyang bumubuhay sa kanyang sarili, kung saan saan natutulog, kung kani-kanino humihingi ng piso at pagkain para lang mabuhay. Hanggang sa makahanap siya ng tirahan sa isang matandang nag-iisa, pinatuloy sya sa kanyang bahay at dito na sya tumitira.
Marami pang kwento ang naririnig ko tungkol sa kanya. Sabi ng iba, may anak daw sya. Nabuntis daw sya ng isang drug addict na sinamaham niya. Isinilang nya ang bata pero pagkatapos non ay kinuha ito sa kanya at bumalik sya rito sa Castillejos.
Hindi ko alam kung totoo ang mg kwento-kwentong ito tungkol sa kanya, kaya nga naging isang hamon sa akin ang alamin mismo kay Joy kung tooto nga ba ito.
Dumating ang aking pagkakataon, minsan nakasabay ko sa paglalakad si Joy. Gaya ng dati, hinihingan na naman ako ng piso. Sabi ko sa kanya, hindi lang piso ang ibibigay ko sa kanya kung sasagutin nya ang mga tanong ko. Pumayag naman sya.
Pinaulanan ko sya ng aking mga tanong. Tinanong ko kung totoo ang mga nababalitaan ko.
Ano ang pangalan mo? Ilang taon ka na? Totoo bang mayaman ka dati? Paano ka naghirap? Anong pakiramdam ng isang katulad mo? Nalulungkot ka rin ba? Masaya ka ba kung minsan? Tooo bang nagbuntis ka raw at nagkaanak?
Madami akong tinanong sa kanya pero iling lang ang naisagot nya sa akin. Naramdaman ko na lang na parang may bumara sa lalamunan ng dating madaldal na si Joy. Hindi ko matukoy pero alam ko at ramdam kong may nasaling ako sa kanyang damdamin. Iniba ko ang aking tanong.
May pangarap ka pa ba? Matagal bago niya ako sinagot.
“Dapat pa bang mangarap ang isang katulad ko?”
Balik tanong niyang sagot sa akin sabay lakad palayo. Mabilis siyang lumayo sa akin sabay sabing sinungaling daw ako dahil ang dami ko raw tanong hindi ko naman daw sya bibigyan ng piso.
Nakalayo na siya pero sisusundan ko pa rin sya ng tingin. Dinukot ko ang limang piso sa aking bulsa. Talagang ibibigay ko naman sa kanya ito pero nakalayo na siya. Gusto ko sanang habulin siya para ibigay ang limampisong hawak ko pero napakalayo na niya.
Kaninang umaga, naririnig ko si nanay. Nagrereklamo siya sa taas ng mga bilihin. Kagagaling niya sa palengke, nabanggit niya si Joy Piso, sabi ni inay, hindi na raw nanghihingi ng piso si Joy dahil ang hinihingi na niya ay limampiso na.
Muli kong naalala ang pag-uusap namin ni Joy, naisip ko, hindi lang pala kami ang apektado ng krisis, ng pagtaas ng bilihin, ng kahirapan. Pati pala si Joy ramdam rin ang kahirapan.
Joy Piso dati, ngayon ay Joy Limang Piso na. Joy, ibig sabihin ay ligaya. Pero mukhang malayo sa katotohanan ang pangalan ni Joy sa nararanasan niya.
Muli kong hinawakan ang limang pisong nasa bulsa ko pa rin. Bukas, kapag nakita ko siya, ibibigay ko ang limang pisong ito sa kanya nang maramdaman naman niyang maging maligaya kahit sandali lang kapag ibinigay ko ang aking limang pisong pinakaaasam-asam niya.
its so very nice,,nakaka antig ng damdamin,,naka iyak,,,,!!!
salamat
ya ur ryt!
sino po ang author?
nakalagay po pangalan ng sumulat sa byline..Benedick N. Damaso po…
sino po ang author neto?
nakalagay po sa byline ang pagalan ng awtir…BENEDICK N. DAMASO po:)
nakaka touch naman!!!,,, thanks!
salamat po…
so nice,!!! sana mabasa rin ng iba!!!
salamat po sa pagbabasa
sana makita ko si joy para mabigyan ko siya ng dalawang pisong buo
nkakabighani ang nbasa ko ..
dhil biruin mo nkagawa ka po ng ganyang kwento na makakapag antig ng damdamin ng mga mambabasa .. kip up d gud work at MABUHAY ka po…
ako na ang magpapatunay na totoo ang kwento mo, im from castillejos zambales, the story of Joy Piso si true..
denzkie23
palanca awards po ba yan ??
so…inspiring……
Salamat po….
kailan po nanalo ito sa palnca awards?
hindi po ito nanalo sa palanca…
ang ganda naman po:)
pnagpala po ang mga kamay nio:)
salamat ng marami…
sana mabasa ito ng iba dahil maaantig po tlga cla……. 🙂
sana makita ko rin c joy piso……….
ano po b ang tema nito?
at ano rin po b ang paksa nitong kwento po?
ang ganda talaga promise…ung story,so werry inspiring..:D love it.basahin nyo thousand times..LOL…….
nkaka iyak din….sana mabasa ito ng iba pra marami ang maiinspire sa gawa nnyo….sana sumali po kayo sa mga paligsahan,sure po ako mananalo po kayo….
well written, nakakabukas puso at isipan 🙂
aries-dubai 2013
tulungan niyo po ko!?
anopo ba ang talambuhay ni benedick n.damaso ?
siya ang nagsulat sa kwentong pinii ko atkailangankong malamanang talambuhay niya!!!!!!!!!!!!!!!!1plsssssssss.
nice story .. !
blessed hand
haaay nako!… ano ba itong maikling kwento nyo!… ang haba… nag hahanap ako ng maikling kwento yung kasya lang sa isang page!….
Pwede bang magaya ‘tong Storya mo? Lagyan ko na lang CREDITS/DISCLAIMER.
Kung okay lang.
di nag-iisa si Joy Piso..ang iyong istorya ay kahawig ng istorya ng isang babae dito sa lugar namin sa Marulas, Valenzuela. simula ng nasa elementarya ako hanggang ngayon siya ay pagala-gala sa palengke at humihingi din ng P5.00..ayon sa kwento-kwento sa aming lugar, matalino syang bata, mayaman ang pamilya ngunit siya ay nabaliw sa sobrang talino..ilang beses ko na din siyang nakitang nabuntis,ang sabi inaanakan ng mag addict … balik kalsada siya pagkatapos nya manganank upang manghingi ulit ng P5.00 sa mga nakakasalubong niya..puti na ang buhok niya ngayon ngunit patuloy padin sya sa pag-hingi..ang kaibahan lang siguro nila ni Joy Piso, malinis at maayos ang kanyang pananamit, bagong ligo pa nga tuwing siya ay nanghihingi 🙂 . this is such a lovely story..