Category: SPEECHES/TALUMPATI


Privilege Speech

Rep. Antonio L. Tinio

ACT Teachers Party-List

Agosto 16, 2010

Nitong nakaraang mga buwan, sa panahon ng kampanya para sa pambansang eleksyon ng Mayo, nagkaroon ako ng pagkakataong umikot sa iba’t ibang probinsya ng ating kapuluan upang makapanayam ang mga public school teachers at mapag-usapan ang kanilang kalagayan at mga hinaing. Saan man ako magpunta, iisa ang kanilang pambungad. Dapat daw tugunan ang kanilang mga problema sa GSIS (Government Service Insurance System).

Ano-ano ang mga problemang ito? Mahaba ang listahan. Kabilang dito ang: walang-paliwanag na mga kaltas sa kanilang maturity claim o retirement lumpsum; walang-paliwanag na kaltas sa kanilang salary loan; di pagbibigay ng dibidendo ng GSIS; pagkait sa survivorship benefits; di pagkaltas ng mga loan payments; sobrang pagkaltas ng mga loan payments kahit bayad na ang utang; di pagbibibigay ng funeral benefits, education plan, at iba pa. Ang esensya, hindi raw nila natatanggap ang inaasahan nilang benepisyo o ang pinapangako ng batas na dapat nilang matanggap.

Nakatitiyak ako na, bilang mga kapwa kinatawan at tagapaglingkod ng taumbayan, mayroon na ring mga guro o kawani ng gubyerno na lumapit sa inyo upang idulog ang kanilang mga problema sa GSIS. Mahigit sa pitong taon nang dinaranas ng mga guro at kawani ang itinuturing nilang kalbaryo ng GSIS. Sa panahong ito, nasaksihan natin ang malawakan at sama-samang pagkilos ng mga kawani upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, mula noong unang sigwa ng mga protesta noong 2003, welga ng mga kawani ng GSIS noong 2004, at samu’t saring mga martsa, piket, at rali mula noon hanggang sa kasalukuyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kabilang banda, ibang-iba ang kuwento kung pakikinggan natin ang pamunuan ng GSIS.Kamakailan lamang, ganito ang naging pahayag ni Winston Garcia, President and General Manager ng GSIS mula January 2001 hanggang June 30, 2010:

“…during my stint as President and General Manager, I instituted the reforms needed for prompt and efficient delivery of services to all our members and pensioners. …

“Because of these reforms, the GSIS’s actuarial life—or the period by which it can provide for the needs of its members and pensioners—has been substantially extended. In 2001, the Fund’s life was projected to last only until 2028. By December 2009, the Fund’s actuarial life was estimated to last until 2064.”

Ayon kay Garcia, nalulugi na ang GSIS nang datnan niya ito noong 2001. Dahil umano ito sa kawalan ng maayos na sistema ng pagtala sa pagpasok at paglabas ng pondo ng GSIS at ang low collection efficiency—maluwag daw ang pagbigay ng GSIS ng mga benepisyo sa miyembro ngunit mahina ito sa pagkubra sa mga utang.

Tama ang naging pagtukoy ni Garcia sa mga problema ng GSIS. Ano ang kanyang naging tugon?

Tinagurian niyang “GSIS Reform Agenda” ang solusyon na kanyang inilapat noong 2003. Ang “Premium-Based Policy” ang pinakabuod ng reporma, patakarang nagsasaad na ibabatay sa premiums na binayad ng miyembro ang halaga ng benepisyong kanyang matatanggap mula sa GSIS.

Susi sa pagpapatupad nito ang computerization ng GSIS. Sinasaklaw ng computerization ang sumusunod:

  1. computerization of membership database;
  2. computerized billing, collection, receipting, and posting of payments directly linked to the membership database;
  3. massive cleansing and updating of membership records and reconciliation of records between GSIS and employers (i.e., government agencies).

Bilang tugon sa problema ng low collection efficiency, ipinatupad din ni Garcia ang patakaran ng automatic deduction of arrears (Claims and Loans Interdependency Program o CLIP).

Tagumpay ba ang  Reform Agenda? Kung ang tanging sukatan ng tagumpay ay ang “bottom line,” o kita ng isang korporasyon, hindi maikakaila na ang solusyon na kaniyang inilapat ay nagdulot ng kagyat at dramatikong pagpihit sa katayuang pinansyal ng GSIS. Mula sa bingit ng pagkalugi, natransporma diumano ang GSIS upang maging top-earning government corporation sa kasalukuyan, na may net revenue noong 2009 na Php 49 bilyon.

Ito ang pinanghawakan ni dating Pangulong Arroyo nang isantabi niya ang malawakang panawagan ng mga miyembro para sibakin si Garcia na rumurok noong 2004. Dahil sa basbas ng Malacanang, hindi na natinag sa puwesto si Garcia hanggang sa kadulu-duluhan ng administraysong Arroyo.

Ngunit, sa halip ng mga papuri at pasasalamat bilang tagapagligtas ng GSIS, bakit pawang mga batikos at pagkamuhi ang inaani ni Winston Garcia sa mga guro at kawani?

Kung gagamitin nating sukatan ang ideyal ng GSIS bilang tanging social security fund na pangunahing sasandigan ng 1.6 million kasapi nito sa panahon ng kagipitan, patunay ang mapait na karanasan ng daan-daang libong guro at kawani na bigo ang Reform Agenda ng GSIS.

Isantabi na muna natin ang mga alegasyon ng korapsyon, despotismo, at kawalan ng transparency sa kanyang pamumuno ng GSIS. Ipagpaliban muna natin sa ibang pagkakataon ang pagsusuri sa mga ito.

Nais nating ipakita na ang mga patakaran at programa mismo ng GSIS na ipinatupad ni Garcia, ang kanyang pinagmamalaking Reform Agenda, ang sanhi ng pagdurusa ng mayorya ng 1.6 milyong kasapi ng GSIS.

1. Bigong computerization at malubhang problema sa posting.

Hindi matagumpay ang GSIS sa pagpapatupad nito ng computerization. Nagsimula ito noong 2003 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Puno ng mga problema ang implementasyon nito. Kabilang sa mga ito ang hindi pa rin nakukumpletong updating ng service records ng kalahating milyong mga guro; ang palpak na migration mula sa luma patungo sa bagong computer system noong September 2007; at ang katastropikong pagbagsak (crash) ng buong sistema noong Marso 2009. Ngunit ang pinakatampok na indikasyon ng kabiguan ng computerization ay ang problema ng posting—hanggang ngayon, hindi pa rin maagap na naitatala ng GSIS ang bawat kabayaran ng mga miyembro sa kani-kanilang individual accounts. Gaano kalala ang problemang ito?

Noong July 22, nakasama ako sa isang dialog ng mga lider ng Alliance of Concerned Teachers sa bagong hirang na Chairman ng Board of Trustees ng GSIS na si Daniel Lacson Jr. Sa pagkakataong ito, ibinunyag ng OIC ng GSIS na si Consuelo Manansala na umaabot sa 6 na bilyon ang individual payments na hindi pa napo-post ng GSIS. As of July 2010, GSIS has been unable to post 6 billion payments made by members to their individual accounts.

Ibig sabihin nito, may anim na bilyong remittances ang mga miyembro na kabayaran sa premiums, sa salary loans, sa housing loan, atbp., mula 1997 hanggang sa kasalukuyan, na tinanggap na ng GSIS ngunit hindi pa nila naipapasok sa computers ng GSIS upang maitala sa individual account ng bawat miyembro. Ibig sabihin, kahit pa nakabayad na ang miyembro, as far as the GSIS computerized records are concerned, hindi pa sila bayad at may utang pa sila sa GSIS.

Gaano kalaki ang halaga ng unposted remittances na ito? Mahirap masabi, pero maaaring umabot ito ng hanggang Php 50.461 bilyon, na siyang halaga ng discrepancies sa accounting ledger balances ng GSIS noong 2008.

Bakit hindi pa napo-post ang mga remittances ng members? Lumilitaw na pangunahing teknikal ang kadahilanan. Ayon kay Manansala, “due to incomplete information,” i.e., may hinahanap na impormasyon ang kanilang computer system na hindi nakalakip sa remittance kung kaya kailangang ibalik sa ahensya.

Kung anuman ang dahilan, malinaw na wala sa kontrol ng miyembro ang mga sirkumstansyang ito at pawang responsibilidad ng GSIS ang maagap na pagtala o pagpost sa ibinayad ng miyembro. As far as the member is concerned, and as far as the GSIS law is concerned, nakabayad na siya sa sandaling kaltasin sa kanyang suweldo ang karampatang halaga. Sa katunayan, katulad ng iba pang mga institusyong pampinansya, ang pangangalaga ng kumpleto at wastong talaan ng bawat sentimong transaksyon ng bawat miyembro o kliyente ang isa sa mga pundamental na tungkulin ng GSIS. Malinaw na hindi niya ito nagagampanan sa kasalukuyan.

Ano ang epekto sa miyembro ng kapalpakan sa posting ng GSIS?

2. Walang pakundangan, walang batayan, di makatarungan, at ilegal na overdeductions ng GSIS sa kanyang mga miyembro.

Susi sa Reform Agenda ang patakaran ng CLIP, o automatic deduction of arrears mula sa mga benepisyo ng mga miyembro. Mula sa punto de bista ng GSIS, ito ang instrumentong magbibigay-lunas sa problema ng low collection efficiency na matagal na nitong binubuno. Ngunit sa punto de bista ng mga miyembro, ang CLIP ay maka-isang panig, arbitrary, at lumalabag sa kanilang right to due process. Sa katunayan, nilalabag nito ang Section 41(w) ng R.A. 8291.

Ang kombinasyon ng incomplete o partial posting of payments ng GSIS at ang patakaran ng CLIP o automatic deduction of arrears ay nagresulta sa pag-iral ng isang rehimen ng walang pakundangang overdeductions sa mga benepisyo ng miyembro mula Agosto 2003 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa report ng Commission on Audit para sa taong 2008[i], umaabot sa Php 2.7 billion ang awtomatikong kinaltas o binawas ng GSIS nang walang matibay na batayan:

“…in view of the deficiencies of the system which resulted in the unposting of premiums and loan repayments and its eventual crash in March 2009… the correctness and validity of members’ loans and premium arrearages amounting to P2.348 billion and P0.388 billion, respectively, or a total of P2.736 billion deducted/clipped from the life and retirement benefits of members in 2008 per verification could not be relied upon.

Napatunayan ng COA na sa ilang kasong kanilang pinag-aralan, nagsagawa ng double deductions ang GSIS—yung nabayaran na through salary deduction, kinaltas pang muli through automatic deduction from benefits:

“The audit procedures we performed to determine the validity of deductions, using COA employees and retirees as samples showed that remittances were actually made by COA pertaining to these deductions.  Thus, there was double collection of loans and premiums receivable thereby understating the receivable accounts and the retirees/members’ benefits equivalent to the amount of the deductions, for which actual remittances were made by COA.”

Hindi lamang “double collection of loans and premiums,” ang ginagawa ng GSIS, ayon sa COA.

“The unposted payments were treated by the system as arrearages resulting in the computation of undue interest thereon.”

Dahil sa kawalan ng posting, nagkakaroon ng “fictitious arrears” ang mga miyembro. Tapos pinapatawan pa ng GSIS ang mga ito ng interes. Ginagamit ng COA ang salitang “underpayment” para tukuyin ang ibinabayad sa mga miembro matapos kaltasan ng nabanggit. Sa halip na “underpayment,” pahintulutan niyong tawagin ko itong “pagnanakaw.” Hindi pa yan ang tawag natin sa pagkuha ng sa pera na pag-aari ng iba? Kung gayon, ninanakawan ng GSIS ang mga miembro nito, not once but twice—sa pamamagitan ng deduction ng fictitious arrears at ng undue interest.

Ayon sa audit ng COA, umabot sa Php 276.179 milyon ang halaga ng underpayment sa life insurance at retirement benefits ng members sa saklaw ng panahong kanilang sinuri:

“Life insurance and retirement benefits of members were underpaid by P253.353 million and P22.826 million, respectively, or a total of P276.179 million due to unposted remittances brought about by deficiencies of the computerized system, thereby understating premiums receivable for the deductions made which were actually covered by remittances from the agencies.”

Narito ang pagnanakaw sa life insurance claims mula January 5 hanggang September 30, 2008:

Area/Period Covered Unposted Premiums Undue

Interest

Total
CY 2008
Home Office P      717,003 P        66,942 P        783,945
Regional and Branch Office 5,943,197 4,512,843 10,456,040
Sub-total P    6,660,200 P   4,579,785 P   11,239,985

Narito ang pagnanakaw noong 2007 and for prior years:

Area/Period Covered Unposted Premiums Undue

Interest

Total
CY 2007 and Prior Years
Home Office P      1,614,611 P      1,506,007 P      3,120,618
Regional and Branch Office 108,305,371 130,687,197 238,992,568
Sub-total 109,919,982 132,193,204 242,113,186
Total for life insurance P  116,580,182 P  136,772,989 P  253,353,171

Pinag-aralan din ng COA ang kaso ng 2,522 retirees na naging biktima ng palpak na migration from the old computer system (PROD) to the new SAP-ILMAAAMS on September 30, 2007. Natuklasan nila na nabiktima ang mga ito ng underpayment na nagkakahalagang Php 22.826 milyon.

Retirement benefits

Office/Branch No. of Samples Underpayment to Members
Butuan and Surigao 44 P                           3,689,959
Tacloban 1,072 3,425,540
Cotabato - 2,282,434
Tarlac 19 2,073,269
Head Office 73 1,505,517
Zamboanga 50 1,470,408
Maasin 299 1,289,214
Cagayan De Oro 43 1,286,472
Cebu 257 727,468
Bayombong 10 720,367
Iligan 27 664,160
Bohol 262 618,557
Dumaguete 231 516,549
Cabanatuan 38 516,382
Cauayan 10 418,435
Pampanga 12 393,626
La Union 9 379,393
Tuguegarao 10 257,775
Bataan 14 196,895
Dagupan 7 189,514
Laoag 31 113,884
Iloilo 2 71,377
Legaspi/Naga 2 18,996
Total 2,522 22,826,191

Pansinin natin na:

Bayombong, 10 retirees were underpaid by an average of Php 72,000;

Cagayan de Oro, 43 retirees were underpaid by an average of Php 30,000;

Tarlac, 19 retirees were underpaid by an average of Php 109,000;

In Dagupan, 7 retirees were underpaid by an average of Php 27,000.

Hayaan ninyong bigyan ko ng mga pangalan ang ilan sa mga biktima ng “pagnanakaw” ng GSIS sa mga miyembro. Ang sumusunod ay mga gurong kasapi o di kaya’y lumapit sa Alliance of Concerned Teachers na nagbahagi ng sarili nilang karanasan:

Name Face Value Deductions Net Proceeds Check no. /Date issued
Lodivina B. Cunanan

(DepEd Pampanga)

95,269 Premium in arrears:             28,144.64

Policy loan:                          38,755.69

SOS/Conso:                         16,896.55

Cash advance:                        1,691.16

Total:                                   85,488.04

9,780.96 104353/

10-13-08

Consolacion L. Tipay

(DepEd Tarlac)

41,922.55 Premium in arrears:             13,103.46

Policy loan:                          10,910.21

Total:                                   24,013.67

17,908.88 80289/

2-20-08

Mariluz Q. Pascasio

(DepEd Tarlac)

71,599 Premium in arrears:             36,909.67

Policy loan:                          34,689.33

Total:                                   71,599.00

0.00
Rosita D. Dueñas

(DepEd Tarlac)

93,185.44 Premium in arrears:             42,295.72 50,889.72 430869/

7-25-07

Jovita D. Serrano

(DepEd Tarlac)

93,451.23 Premium in arrears:             39,407.33

Policy loan:                          47,084.74

Total:                                   86,492.08

6,959.15 80288

3. Labis na kabagalan sa pagproseso ng mga benepisyo

Kabilang sa mga hinaing ng mga guro at kawani ang napakabagal na pagproseso ng GSIS ng kanilang mga claims.

“Due to the recurrent flaws in the computerized systems that started in 2008 which eventually led to its crash on March 30, 2009, the processing of claims took 20 to 720 days resulting in the accumulation of 34,532 unprocessed claims, amounting to P3.860 billion per books as at December 31, 2008 and inefficient delivery of benefits to members.”

Claims/Benefits No. of Claims Amount
Retirement 10,323 P  2,070,394,555
Life 23,296 1,738,692,400
Funeral 296 6,309,144
Survivor 617 44,619,450
Total 34,532 P  3,860,015,549

“In the Head Office, the claims remained unprocessed/unpaid from 76 to 378 days as of February 18, 2009 while in the Branches, processing time ranged from 20 to 720 days as shown in the table below:

Branch/Office                                                                                                     Lag Time in the

Processing of Claims

Butuan and Surigao 30 – 720 days
Cabanatuan 20 – 718 days
Pampanga 31 – 639 days
Tarlac 31 – 480 days
Bayombong 115 – 429 days
Head Office 76 – 378 days
Davao, Tagum and General Santos 173 – 362 days
Tuguegarao 67 – 246 days

May kasabihan tayo, “aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.” Aanhin ang bilyong-bilyong assets ng GSIS, kung hindi mapakikinabangan ng miyembro ang mga benepisyong iginagawad ng batas sa kanya sa panahon na kailangan niya ito.

To recap, ang mga patakaran at programa mismo ng Reform Agenda, particular ang flawed computerization at ang CLIP, ay nagresulta sa pagkait sa mga miyembro, ng ganap na pagtamasa sa mga benepisyong ipinangako sa kanila ng batas.

Nagpatupad ang nakaraang administrasyon ng isang Reform Agenda na di maikakaliang nagpaganda sa bottom line ng GSIS. Ngunit hindi ito kailanman magiging katanggap-tanggap kung ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagyurak sa mga karapatan ng GSIS members. Bilang tanging social security fund ng 1.6 milyon miyembro nito,

Ngayong, may bagong gubyerno, may bagong presidente. Narito ang ginintuang pagkakataon para iwasto ang mga pagkakamali ng nakaraan. Mr. Speaker, mga kasama, nais kong ipaalala sa inyo ang Section 8 ng GSIS Act of 1997:

“Sec. 8.    Government Guarantee. — The government of the Republic of the Philippines hereby guarantees the fulfillment of the obligations of the GSIS to its members as and when they fall due.”

Malinaw na itinatakda ng batas na, magkulang man ang GSIS sa pagtupad ng kanyang batayang tungkulin bilang social security fund ngating 1.6 milyong kawani, titiyakin ng gubyerno ng Republika na patuloy pa ring matatamasa nang buo, walang labis, walang kulang, ang mga benepisyo ng bawat miyembro ng GSIS sa natatakdang panahon. Malinaw na naabot na natin ang kalagayang nangangailangan ng panghihimasok ng gubyerno upang mapangalagaan ang mga karapatan ng mga miyembro ng GSIS.

Kung gayon, nananawagan ako sa mga kasamahan natin sa Kongreso na gampanan ang ating tungkulin sa oversight at legislation upang:

  • itigil ng GSIS ang mga di-makatarungang pagkaltas sa mga benepisyo ng miyembro;
  • kagyat na i-refund ng GSIS sa mga di-makatarungang kaltas na may kasamang interes;
  • panagutin ang mga opisyales sa pangunguna ni Winston Garcia sa kanilang pagyurak sa mga karapatan ng GSIS members;
  • i-review ang GSIS Reform Agenda lalo na ang epekto nito sa karapatan at kagalingan ng mga miyembro;
  • i-review ang R.A. 8291 at mga kaugnay na batas upang mapag-aralan kung paano mapapahusay at mapapatibay ang proteksyon ng mga miyembro;
  • tiyakin ang tunay na representasyon ng rank-and-file employees sa Board of Trustees ng GSIS.

Maraming salamat, Mr. Speaker.


[i] Ang mga datos mula sa Commission on Audit ay mula sa kanilang “Annual Audit Report on the Government Service Insurance System for the Year Ended December 31, 2008.”

State of the Nation Address
of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
July 26, 2010
[Batasan Pambansa Complex, Quezon City]

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito kung muling kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
· tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayaan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan na ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

__________________________________________________________________________

Official English translation provided by Aquino media bureau

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

My presence here today is proof that you are my true strength. I never expected that I will be here taking my oath of office before you, as your president. I never imagined that I would be tasked with continuing the mission of my parents. I never entertained the ambition to be the symbol of hope, and to inherit the problems of our nation.

I had a simple goal in life: to be true to my parents and our country as an honorable son, a caring brother, and a good citizen.

My father offered his life so our democracy could live. My mother devoted her life to nurturing that democracy. I will dedicate my life to making our democracy reach its fullest potential: that of ensuring equality for all. My family has sacrificed much and I am willing to do this again if necessary.

Although I was born to famous parents, I know and feel the problems of ordinary citizens. We all know what it is like to have a government that plays deaf and dumb. We know what it is like to be denied justice, to be ignored by those in whom we placed our trust and tasked to become our advocates.

Have you ever been ignored by the very government you helped put in power? I have. Have you had to endure being rudely shoved aside by the siren-blaring escorts of those who love to display their position and power over you? I have, too. Have you experienced exasperation and anger at a government that instead of serving you, needs to be endured by you? So have I.

I am like you. Many of our countrymen have already voted with their feet – migrating to other countries in search of change or tranquility. They have endured hardship, risked their lives because they believe that compared to their current state here, there is more hope for them in another country, no matter how bleak it may be. In moments when I thought of only my own welfare, I also wondered – is it possible that I can find the peace and quiet that I crave in another country? Is our government beyond redemption? Has it been written that the Filipino’s lot is merely to suffer?

Today marks the end of a regime indifferent to the appeals of the people. It is not Noynoy who found a way. You are the reason why the silent suffering of the nation is about to end. This is the beginning of my burden, but if many of us will bear the cross we will lift it, no matter how heavy it is.

Through good governance in the coming years, we will lessen our problems. The destiny of the Filipino will return to its rightful place, and as each year passes, the Filipino’s problems will continue to lessen with the assurance of progress in their lives.

We are here to serve and not to lord over you. The mandate given to me was one of change. I accept your marching orders to transform our government from one that is self-serving to one that works for the welfare of the nation.

This mandate is the social contract that we agreed upon. It is the promise I made during the campaign, which you accepted on election day.

During the campaign we said, “If no one is corrupt, no one will be poor.” That is no mere slogan for posters — it is the defining principle that will serve as the foundation of our administration.

Our foremost duty is to lift the nation from poverty through honest and effective governance.

The first step is to have leaders who are ethical, honest, and true public servants. I will set the example. I will strive to be a good model. I will not break the trust you have placed in me. I will ensure that this, too, will be the advocacy of my Cabinet and those who will join our government.

I do not believe that all of those who serve in our government are corrupt. In truth, the majority of them are honest. They joined government to serve and do good. Starting today, they will have the opportunity to show that they have what it takes. I am counting on them to help fight corruption within the bureaucracy.

To those who have been put in positions by unlawful means, this is my warning: we will begin earning back the trust of our people by reviewing midnight appointments. Let this serve as a warning to those who intend to continue the crooked ways that have become the norm for too long.

To our impoverished countrymen, starting today, your government will be your champion.

We will not disregard the needs of our students. We will begin by addressing the glaring shortage in classrooms and educational facilities.

Gradually, we will lessen the lack of infrastructures for transportation, tourism and trade. From now on, mediocre work will not be good enough when it comes to roads, bridges, and buildings because we will hold contractors responsible for maintaining their projects in good condition.

We will revive the emergency employment program established by former President Corazon Aquino. This will provide jobs for local communities and will help in the development of their and our economy.

We will not be the cause of your suffering or hardship. We will strengthen collections by the Bureau of Internal Revenue and we will fight corruption in the Bureau of Customs in order to fund our objectives for the public welfare, such as:

· Quality education, including vocational education, so that those who choose not to attend college or those who cannot afford it can find dignified livelihood;

· Improved public health services such as PhilHealth for all within three years;

· A home for every family, within safe communities.

We will strengthen the armed forces and the police, not to serve the interests of those who want to wield power with impunity, but to give added protection for ordinary folk. The armed forces and the police risk their lives daily so that the nation can live in peace and security. The population has doubled and yet their numbers remain unchanged. It is not right that those who make sacrifices are treated pitifully.

If there was a fertilizer scam in the past, today there will be security for farmers. We will help them with irrigation, extension services, and marketing their products at the best possible prices.

We are directing Secretary Alcala to set up trading centers that will directly link farmers and consumers thereby eliminating middlemen and opportunities for corruption. In this way, funds can be shared by farmers and consumers. We will make our country attractive to investors. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance to business. This is the only means by which we can provide jobs for our people.

Our goal is to create jobs at home so that there will be no need to look for employment abroad. However, as we work towards that end, I am ordering the DFA, POEA, OWWA, and other relevant agencies to be even more responsive to the needs and welfare of our overseas Filipino workers.

We will strengthen the process of consultation and feedback. We will strive to uphold the constitutional right of citizens to information on matters of public concern.

We relived the spirit of people power during the campaign. Let it take us to good and effective governance. Those who believe in people power put the welfare of others before their own.

I can forgive those who did me wrong but I have no right to forgive those who abused our people.

To those who talk about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. When we allow crimes to go unpunished, we give consent to their occurring over and over again. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

We are also happy to inform you the acceptance of Chief Justice Hilario Davide of the challenge of strengthening and heading a Truth Commission that will shed light on many unanswered issues that continue to haunt our country.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflict, inclusive of the interests of all — may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. With proper governance life will improve for all. When we are all living well, who will want to go back to living under oppression?

If I have all of you by my side, we will be able to build a nation in which there will be equality of opportunity, because each of us fulfilled our duties and responsibilities equally.

After the elections, you proved that it is the people who wield power in this country.

This is what democracy means. It is the foundation of our unity. We campaigned for change. Because of this, the Filipino stands tall once more. We are all part of a nation that can begin to dream again.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Today, I am inviting you to pledge to yourselves and to our people. No one shall be left behind.

No more junkets, no more senseless spending. No more turning back on pledges made during the campaign, whether today or in the coming challenges that will confront us over the next six years. No more influence-peddling, no more patronage politics, no more stealing. No more sirens, no more short cuts, no more bribes. It is time for us to work together once more.

We are here today because we stood together and believed in hope. We had no resources to campaign other than our common faith in the inherent goodness of the Filipino.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. To those among you who are still undecided about sharing the common burden I have only one question: Are you going to quit now that we have won?

You are the boss so I cannot ignore your orders. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to your needs and aspirations.

You are the ones who brought me here – our volunteers – old, young, celebrity, ordinary folks who went around the country to campaign for change; my household help who provided for all my personal needs; my family, friends, colleagues at work, who shared, cared, and gave their support; my lawyers who stayed all hours to guard my votes and make sure they were counted; and the millions of Filipinos who prevailed, kept faith, and never lost hope – I offer my heartfelt gratitude.

I will not be able to face my parents and you who have brought me here if do not fulfill the promises I made.

My parents sought nothing less, died for nothing less, than democracy and peace. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

My hope is that when I leave office, everyone can say that we have traveled far on the right path, and that we are able to bequeath a better future to the next generation. Join me in continuing this fight for change.

Thank you and long live the Filipino people!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.