Category: TULA/POEMS


Teacher, teacher, I am sick

Written by Benedick N. Damaso

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teacher, teacher, I am sick

……But don’t call the doctor ‘cause his freak

……I don’t need him though I’m weak

……What I need is just your kiss

 

Teacher, teacher, I am mad

……‘Cause the doctor says I’m bad

……He doesn’t know that I’m in love

……That’s what making me so sad

 

Teacher, teacher, solve this maze

……Lend me please your saving  grace

……I just want there in your place

……And all I need is your embrace

 

Teacher, teacher, please be mine

……That will surely make me fine

……I will love you all the time

……Though I’m running out of rhyme

 

Teacher, teacher, seriously

……I love you with all honesty

……I want to be with you really

……To share this life eternally

 

 

Advertisements

KATALIK

Sinulat ni Benedick N. Damaso

Pagtatalik

Sa kahubdan ng ating mga katawang lupa

tayoy nagbuklod, dinama ang rurok paulit-ulit

ginawa lahat ng natutunan mula sa aklat na Kamasutra

pataas, pababa, padapa, patihaya, patuwad

nagsalimbayan ang mga halinghing

banayad sa simula, pabilis nang pabilis

nang maabot ang rurok at kasukdulan

naihiyaw  mo’y langit na.

(sa pagitan ng ating mga ohhh… at ahhh…)

Subalit pasensya na, kung ito ang langit ayaw ko na

‘pagkat ilang minuto lang itong nagtatagal.

(talo pa tayo ng mga baboy aking mahal

‘pagkat tatlumpung minuto raw nagtatagal

ang kanilang orgasmo)

Gusto ko sana sa ating pagniniig

ika’y maging kasimbangis ni Rosanna

kahit pa sa labas kasing kimi mo si Maria Clara

at kahit pa magiba itong ating kama

kung kapalit nama’y pagtunog ng kampana.

Gusto ko at kung pwede lang naman

na sa ating pagtatalik ika’y masilayan

buhayin ang lahat ng ilaw

pailawin lahat ng bumbilya at kandila

upang aking masaksihan, iyong masaksihan

detalye nitong kahubdan, impormasyon nitong katauhan

kakabisaduhin natin, ang taling na nagtatago’t itinatago

hahanapin natin lahat ng libog at  libag

kurbada at bilbil  o buhok at tagiyawat

hanggang sa hindi na tayo dayuhan

ako sa iyong katawan

at ikaw sa aking katawan.

At sa muli nating pagniniig

hindi na tayo mangangapa sa dilim

kapag pinupunasan ang ating mga pawis

at lahat ng likidong

inilabas ng katawan.

At sa pag-uulit at paulit-ulit pa nating pagniniig

magtatalik di lang mga katawan

magtatalik mga puso at isipan

at ating aabutin rurok ng kasukdulan

doon tayo magtatagal

doon tayo maglalayag

doon tayo mamumuhunan

nang pagmamahal na dalisay.

 

Ngayong araw ang unang taong anibersaryo ng kamatayan ni Pangulong Cory. Eksakto isang taon ang nakararaan ng sulatin ko ang tulang ito bilang pagpupuhay sa kanya.


“Matulog kang mahimbing sa piling ni Bathala

Ipikit iyong mga mata’t huwag ng mangangamba

Mahimlay kang mapayapa sa awit ng mga musa

Ika’y magpahinga’t huwag ng mabahala.


Lumipad kang malaya sa dulo ng bahaghari

At kulayan ng matingkad ang buhay na iwi.

Maglaro ka’t maglibang sa iyong bagong palasyo

Mamuhay kang masaya sa iyong bagong paraiso.


Ngayong wala ka na’t sa ami’y namaalam

Alaala mo sa ami’y hinding-hindi mapaparam.

Ngayong wala ka na’t sa ami’y lumisan

Anghel ka ngayong sa ami’y di na lilisan.”

Ipinakilala ka sa amin

ng mga aklat sa kasaysayan

na asawa ng bayaning si Ninoy

na kumalaban

sa diktaduryang rehimen

na kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa

na babaeng nakadilaw.

Nakilala kitang nagliliwanag,

nagniningning

tulad ng dilaw mong damit

naging liwanag ka’t

naging tanglaw

na pumunit sa karimlan.

Sa iyong mga laban

kasama ang mga Pilipino

itinaboy mo ang mga halimaw

napaatras

ang mga punglo at kanyon

gamit ang iyong rosaryo’t dasal

giniba ang bartolina

pinalaya ang kalayaan

namayagpag ang demokrasya

nagkadangal ang mga Pilipino.

Libu-libo

milyun-milyon

laksa-laksa

sa iyong paglisan

lahat ay lumuluha

lumuluha kahit langit

naninimdin, nagdadalamhati

nagtatamong kung bakit ikaw pa

napapaisip kung bakit ngayon pa.

Salamat Pangulong Cory

sa pamana ng kalayaan.

Salamat Tita Cory

sa handog na demokrasya.

Namatay kang nakikipaglaban

sa kanser na iyong karamdaman

humimlay kang mapayapa

magpahinga kang matiwasay.

Ngayong wala ka na…

Mabubuhay kaming patuloy na makikipaglaban

Sa kanser ng lipunang matagal mo ng kinakalaban.

LAGALAG

(Isa sa mga pinakapaborito ko sa mga tulang nasulat ko.)

Lakad

takbo

hingal

mga kaluluwa tayong walang mapuntahan.

Hinto

pahinga

pagsuko

mga kaluluwa tayong walang masulingan.

Doon

diyan

dito

Saan sa daigdig na ito magkakanlong?

kung sa bawat sulok nito’y

bartolina ng linggatong.

Ganito

ganyan

ganoon

Paano makaaalpas?

sanlaksang suliraning dumadagan

pa’no kung ang bukas ay bukas pa?

Ngayon

bukas

samakalawa

Kailan daratal ang umaga?

Kung ang araw sa kanlura’y sumikat na?

O kung gahiblang hininga’y napigtal na?

Sino?

Saan?

Kailan?

Paano?

Ano?

Mga katanungang ‘di matugunan

Ako

Siya

Tayo

Mga kaluluwang lagalag

Mga kaluluwang naglalagalag.

Mga kaluluwang maglalagalag.

Huwad

Pinanday tayo upang maging katulad ni Kristo

pinadilaan sa apoy ng naglalagablab

na impiyerno ng karunungan

inilublob sa kumukulong asupre

ng kagandahang-asal

habang abala sa paggatong ang mga pantas

upang papagliyabin

ang dambana ng kanilang bokasyon.

Aahon tayong patay na santo

mag-aala-Samsong magpapaguho ng templo

mag-aala-Delaylang lilinlang kay Samson

lalakad tayong pasan ang krus sa likod

habang hawak-hawak ang bibliya

habang ang mga pantas

ay tahimik lang na nakamata

sa ating pagtapak sa bagang nagliliyab

patungong sinagoga.

Magpapatuloy tayo sa paglalakad

habang bumibigat ang krus

at sa likura’y nakasunod

ang mga Hudas at Maria

ang mga Magdalena at Hose

ng ating panahon at ibang panahon

ng kung kaninong panahon

na lumilikha ng prusisyon.

Aakyat tayo sa Golgota

ititindig ang pinasang krus

habang at  kahit

nagngingitngit si Hudas

lumuluhod si Maria

tumatangis ni Magdalena

lumuluha si Hose.

Ipapako ang huwad na kristong likha

ng mga huwad na pantas

habang nasusunog, naagnas,  naaabo

ang huwad na pantas

ang huwad na santo

ang huwad na tagasunod

ng huwad na kristo.