Unti – unti nang nawawala ang kanyang mga kasama. Noong isang araw ay binili na sa Bolang Puti. Kahapon naman ay si Bolang Berde. Tapos, kaninang umaga nama’y sina Bolang Asul at Bolang Pula. Ngayon, tanging siya na lamang ang natitirang bola sa tindahang iyon ni Mang Teban.
“Buti pa kayo makapaglalaro na,” ang naiinggit na sabi ni Bolang Negro kina Bolang Asul at Bolang Pula matapos marinig ang usapan nina Mang Teban at ang mamang bibili sa dalawa.
“Ikaw naman Bolang Negro,” ang sabay na sabi nina Bolang Asul at Bolang Pula matapos magsalita si Bolang Negro. “Alam naming darating din ang araw na makapaglalaro ka,” dagdag pa ng dalawa.
Hanggang sa tuluyan ng kunin ang mga natitira niyang kasamahan. Lungkot na lungkot si Bolang Negro. Nag-iisa na lamang siya. At ngayon, malapit na namang magsara si Mang Teban ay wala pa ring bumibili sa kanya.
“Kung bakit kasi ang pangit-pangit ng kulay ko, ang itim-itim ko. Kaya tuloy walang bumibili sa akin,” paghihinakit ni Bolang Negro. “Hindi na talaga ako makapaglalaro kailanman,” ang sabi ni Bolang Negro sa kanyang sarili matapos makita si Mang Teban na naghahanda na para umalis.
Mayamaya pa, nang paalis na si Mang Teban, isang mama ang biglang dumating. Naghahanap ito ng bagay na maipanreregalo sa kanyang inaanak na may kaarawan kinabukasan. At nang makita ang bolang itim ay nasisiyahang kinuha ito. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Bolang Negro nang tuluyan siyang bayaran kay Mang Teban.
Habang nasa daan ay hindi pa rin makapaniwala si Bolang Negro. “Sa wakas makapaglalaro na rin ako,” ang sabi niya sa kanyang sarili.
Subalit biglang nawala ang kanyang kagalakan nang maalala ang kanyang hitsura. Nag-alinlangan siya kung magugustuhan kaya siya ng kanyang magiging kalaro. Magugustuhan kaya ang isang negrong katulad ko? Ito ang katanungang naglalaro sa kanyang isip.
Hanggang sa sapitin nila ang bahay ng mamang bumili sa kanya. Agad siyang inilabas at agad ding binalot.
Kinabukasan, habang dala-dala siya ng mama, naririnig ni Bolang Negro ang masasayang tawanan ng mga bata. At bagama’t nag-aalinlangan siya kung magugustuhan kaya siya ay naroon pa rin sa kanya ang kasabikang makalabas na at makaglaro.
“Yeheyyyy!!!,” ang natutuwang sigaw ni Junjun matapos mabuksan at makita ang bolang regalo sa kanya ng kanyang ninong. Dali-dali niya itong ipinakita at ipinagmalaki sa kanyang mga kalaro. Marami pa siyang natanggap na regalo subalit pinakagusto niya sa lahat ang bolang itim na regalo sa kanya ng kangayng ninong.
“Regalo sa akin ni ninong,” pagmamalaki niya habang idini-dribol ang itim na bola. Kung gaano kaligaya si Junjun sa pagkakataong iyon ay mas higit naman ang nararamdaman ni Bolang Negro.
Mula noon ay masaya silang naglalaro ni Junjun. Kung minsan ay sila lamang dalawa, kung minsan nama’y kasama nila ang mga kaibigang bata ni Junjun. Nawala na rin sa isip ni Bolang Negro ang panliliit dahilan sa kanyang hitsura. Marami silang masasaya at magagandang karanasan ni Junjun.
Subalit isang araw, gayon na lamang ang pagkainis ni Bolang Negro nang maglaro sila kasama ang bagong kaibigan ni Junjun na si Moymoy. Si Moymoy ay anak ng bagong lipat na kapitbahay nina Junjun at ito ay pilay. Hindi ito nakapaglalakad kung walang saklay.
Ayaw na ayaw ni Bolang Negro na kalaro si Moymoy dahil sa kapansanan nito. Ayaw rin niyang hinahawakan siya ni Moymoy. Subalit kung gaano niya kaayaw na kalaro si Moymoy ay ganon naman ito kagusto ni Junjun. Tuwang-tuwa pa nga ang dalawa kung naglalaro sila, bagay na kinaiinisan naman ni Bolang Negro.
Mula nang dumating si Moymoy ay nawala na ang sigla ni Bolang Negro na maglaro. Hindi siya masaya kapag kasama nila si Moymoy.
“Yan kasing pilay na yan e,” ang naiinis na sabi ni Bolang Negro sa kanyang sarili. “Tingnan ko lang kung ano ang gagawin ninyo kung wala ako. Tingnan ko lang kung magiging masaya pa kayo,” ang naiinis na sabi niya sa kanyang sarili.
Pagkaraan ng ilang sandali’y may biglang dumampot sa kanya. Ang kuya pala ni Junjun. Idrinibol-dribol siya at nang magsawa ito’y ibinato sa isang sulok ng bahay at agad na pumasok sa kanyang kwarto. Hindi na nito nakita ang paggulong pababa ni Bolang Negro.
Gumulong-gulong si Bolang Negro. Mula sa bahay nina Junjun, sa kalsada hanggang sa humantong siya sa isang putikan.
Ang buong katawan ni Bolang Negro ay nabalutan ng putik. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon subalit wala siyang kakayahan upang gawin iyon. Nanlalagkit siya. May kung anu-anong insekto pa ang gumagapang- gapang sa kanyang katawan. Mayamaya’y pa ay may nagtapon ng basura sa kinaroroonan niya na lalung nagpalubog sa kanya.
Ngayon ay malayo na nga siya kay Junjun at lalung-lalo na sa kinaiinisan niyang si Moymoy. Subalit lubos ang kanyang pagsisisi. Ngayon lamang niya naisip kung gaano kalaki ang kanyang pagkakamali. Naalala niya ang pagtanggap at pagmamahal na iniukol sa kanya ni Junjun. Ang pagtanggap nito sa kanya sa kabila ng kanyang hitsura. Tapos, ang hindi niya pagtanggap kay Moymoy? Sino siya upang hindi tanggapin si Moymoy na maging kaibigan kung siya mismo ay tinanggap ni Junjun ng buong-puso, bilang siya?
Nagsisisi siya subalit alam niyang huli na ang lahat. Ilang araw na siya roon at alam niyang doon na siya magpakailanman.
“Nakita niyo po ba ang aking bola, itim po ang kulay nito. Parang awa niyo na, sabihin niyo naman kung nakita niyo ito.”
Nabigla si Bolang Negro. Kilalang kilala niya ang may-ari ng boses na iyon.
“Kay Junjun ang boses na iyon at hinahanap ako,” ang natutuwang sabi ni Bolang Negro sa kanyang sarili.
Gustong isigaw ni Bolang Negro na naroon lamang siya sa malapit ngunit wala siyang boses. Mayamaya pa’y may naramdaman siyang humahalungkat sa kinaroroonan niya. Humihingal ito at marungis ang hitsura. Nang makita niya siya nito ay biglang naglulundag ito sa tuwa.
“Yeheyyyy!!!, nahanapan ko rin ang aking bola.”
Iniuwi ni Junjun si Bolang Negro sa kanila. Hinugasan at nilinis kaagad ito hanggang sa bumalik ang dati nitong anyo.
Hindi alam ni Bolang Negro kung paanong nahanapan siya ni Junjun, subalit alam niyang iyon ay dahil sa pagmamahal na iniukol nito sa kanya sa kabila ng lahat.
Kinabukasan ay masayang naglaro sina Junjun, Moymoy at Bolang Negro. Subalit sa kanilang tatlo, higit ang kasiyahang nararamdaman ni Bolang Negro.
pde magtanong cno po ung sumulat ng bolang negro??
hello christian, ako po sumulat niyan way back when i was in college…
ANO NGA PO NAME NYO?? ung sumulat po ng bolang negro!>
Benedick N. Damaso po ang inyong lingkod. Nakalagay po. Salamat sa pagbabasa.
Nice story po..naka publish napo pala yung story sa book..project po namen ito sa filipino..
anong book ms joy?
anu nga po nme nyo?? ung sumat po ng bolang negro>
nakalagay po pangalan ng sumulat sa byline..Benedick N. Damaso po…
Uganda ng kwento
perfect sana ako d2 kasi may namali akong isa sino ba ang sumulat ng bolang negro?]
nakalagay po pangalan ng sumulat sa byline..Benedick N. Damaso po…
Kokopyahin ko lang for my grade 1 project in Filipino. Thank you, I like it.
Sino po sumulat ng Kwentong ito? Please Specify po yung name. Kailangan po kasi sa Project sa Filipino eh. 🙂 thankyou po.
Benedick N. Damaso
gamitin po sana namin para sa story telling?.. kelangan po ng autobiography ng author. Meron po kayo? Thank you po 🙂
email him at ck_deneb@yahoo.com or facebook him at the same email
pwede ko po bang kopyahin para po sa project ng pamangkin ko? Thank you po
GRANTED, sana wag lang babaguhin at papalitan ang author…
Gamitin po sana for recording ng mga bata para sa thesis po namin.. Di po babaguhin at kasama po ang pangalan ng author.. Salamat po in advance!
ok po, wala pong problema…
Is this a carlos palanca award ???? tnx
hindi po…
pwede po bang makakuha ng kopya?? para lang po sa proyekto ng aking kapatid. maraming salamt po
oo naman…feel free po…
..nice story pde po mkopya proj.ko lng po sa fil. :))
…ask ko lang po kung may youtube ba kayo ng kwento na ito?tnx po
pwedeng pakopya ng kuwento kasi my project ako sa Pilipino tnx……………………………………
Hi! Sino po my akda niyan?
my future kang maging isang sikat na writer.
wow, thanks a lot
Brilliant story. We will use it for our play. Thanks! Dont worry. All rights reserved.
Thanks you…
ano po ba ang aral a mapupulot dito sa storyang ito?
pwede ko bang gamitin tong bolang negro para sa aming project
at para sa aming play rin
walang problema, isang karangalan para sa akin, sana hindi niyo lang makalimutang kilalanin ang sumulat…
wla po bang panimula ??
kailangan po kasi kami ng panimula
Kuya Benedick pwede po bang kumuha ng kopya??… 🙂
gagamitin lng po nmin para sa Project sa Filipino…
🙂
salamat po…
ang ganda naman nitong kwento na 2 kaya kailnagan natin twala lng sa sarili
…ang ganda po tlaga ng story!! bagay sa mga matampuhin
…ur name po is benedick n. damaso?? am i right??
…e2ng story po ang napili qouh para sa gagawin naming role playing for tommorow… pwede pfouh ba?? ang gus2 po kc ng mga members ko ay daragang magayon story pero mas maganda po e2 kya e2 na lng po…
..tnx 4 bolang negro story!! kme po ang winner xah role playing namin kanina!! ganda tlaga ni2!! and thank u also for benedick n. damaso…by the way anong year na po kau?? or nag wo-work na po ba kau?? kc pra pong ang galing nyong gumawa ng story… may mga iba pa po b kaung sinulat na story??
…can i ask u something?? are u a author?
pano po sya icocopy pste kasi po pagcinopy paste sya itim ung backgrong ..
kailangan po nmn ngaun sa school
Supper Uganda ng story
Panget nman ng kwento
Kua benidick ano po bang myroon as bhay nila junjun? Pls reply agad now na!
it’s so nice ah……
Salamat po sakuwento sa wakas natuwa din ang masungit nming teacher